NOVUM: the Series
Ito ang Main Page ng NOVUM the series. Ang NOVUM ay isang series na nabuo, binubuo at bubuoin pa ng mga writers na sina Riu (akosiryuuzaki), Light (akosilight), Vince, at ni Sars.
Chapter 2: Maya
Gabi, nalalaglag ako sa isang bangin. Sa isang malalim na malalim na bangin. Sa sobrang lalim eh hindi ko pa rin makita ang dulo nito. Nagsisimula na akong mag-panic. Wala akong makitang sasalo sa pagkalaglag ko. Wala akong makitang pwedeng kapitan. Wala, wala.
Sobrang bilis ng pagbaba ko. Masakit na sa mukha ko ang malakas na hangin pataas. Parang mapupunit ang mukha ko sa ulo ko.
Parang hindi matatapos ang pagkalaglag ko. Parang-
Ate gising na.
Ha? Sinong nagsalita?
Hoy ate! Gising na!
Omega? Boses yun ni Omega! Omega! Nasan ka Omega!? Omega!
“Aaaahhh!”
Bumangon akong basang-basa ng tubig. Nasa harapan ko si Omega na tumatawa at si Gabriel na may hawak na timba.
“Nananaginip ka na naman ate,” sabi sa akin ni Omega.
“Kaya binuhusan kita ng tubig.” Tuloy ni Gabriel.
Tumayo ako mula sa papag na hinihigaan ko. Basa na ang damit na gagamitin ko pa sana ng isa pang araw. Pumunta ako sa may maliit na shade na ginagamit namin sa tuwing nagbibihis. Hindi naman ganoon kalaki ang kweba namin. Pero hindi rin naman ganoon kaliit. Basta ang alam ko, kasya ang sampung pamilya dito.
Matagal-tagal na rin kaming naninirahan dito. Sa buong 18 na taong nanatili ako dito, naging maayos naman ang pamumuhay namin bilang mga nagtatago. Mga taong gubat. 7 nga pala kaming magkakapatid. Nauuna na si Alpha, ang kuya ko. Susunod ako. Ikatlo si Maya na sinundan naman ni Gabriel. Si Felix ang ika-lima at ika-anim at ika-pito ang kambal na sina Rhea at Thea.
At kagaya ng kahit anong komyunidad, meron kaming pinuno. At ang pinuno namin ngayon ay si tito Conrad. Ang kapatid ng aking ama. Ng aming ama.
Pagkatapos magbihis ay dumiretso ako sa parte ng kweba na ginawa naming kusina. Kumuha ako ng isang mangkok at sumandok ng lugaw sa kaserolang nakapwesto sa kalan na gawa sa bato. Nakakain siguro ako ng dalawang mangkok bago ako nabusog.
Kagaya ng isang normal na araw, sinisimulan naming magkakapatid ang pag-eensayo. Self defense. Ganito kami tuwing umaga. Pagdating ng hapon, kailangan naming mag-aral. Salamat sa asawa ni tito Conrad na si Irene. Nararamdaman pa rin naming normal kaming mga bata kahit hindi naman talaga.
Dito sa amin, mabilis lumipad ang oras. Hindi mo aasahang sobrang bilis ng pagkagat ng dilim. Hindi mo aasahang kaagad-agad darating ang oras na kailangan naming maghanda.
Kagaya nga ng sinabi ko, tuwing gabi sliang lahat lumalabas. At kailangan naming maghanda. May nagbabantay palagi sa may bunganga ng kweba. Iba-iba sa bawat gabi. Ito ang panahon ko para magbantay kasama ng kapatid kong si Alpha.
Nasa pwesto na kami. Nakatayo siya, halatang nagmamasid ng maigi. Ako nama’y nakasandal sa isang malaking bato. Tinatamad pero hindi ako inaantok. Nakakatamad na rin ang pag-aantay ng walang ibang ginagawa. Sinimulan kong magsalita. Masakit rin ang katawan ko sa ginawa ko kaninang umaga.
“Matagal pa ba tayo?”
“Oo. Matagal pa tayo.” Sagot niya sa akin ng may napaka-kaunting atensiyon.
“Hay. Wala naman kasing nangyayari eh. Bantay ng bantay, pero wala namang-“
Aaaaaahhhh!
Naputol ang sasabihin ko ng malakas na sigaw. Hindi ko malaman kung lalake ba o babae ang sumigaw. Masyadong puno ng takot. Puno ng sakit ang sigaw.
“Ano yun?”
“Hindi ko alam.” Pagkasabi ni Alpha ay bigla siyang tumalon pababa ng kweba.
“Kuya san ka pupunta?” sigaw ko.
“Hahanapin ko kung saan nanggaling yun. Wag kang aalis diyan! Antayin mo ako!” Sigaw niya pabalik sa akin.
“Pero-“
“Wala nang pero! Diyan ka lang!” Sigaw pa niya.
At hindi ko na narinig ang boses niya.
Chapter 1: Maya

Prologue
Taong 2047, March 23 5:15 pm
Nagsimula na naming lumubog ang araw. Lalabas na naman sila. Magsisimula na naman ang iang gabing kinatatakutan naming lahat.
Ako si Maya, galling sa angkan ng mga Santiago. Isa ako sa pitong magkakapatid na naninirahan ngayon sa isang kweba malapit sa dam. Kasama namin ang ilang mga kababayan. Dito kami ngayon nagtatago. Nagtatago sa kaguluhan sa labas ng kweba. Mga kaguluhang hindi naming inakalang aabot sa ganito. Isang kaguluhang tinalo ang siyensiya at ang teknolohiya.
Ano ba ang kinatatakutan namin at kailangan pa naming magtago sa kweba?
Simpleng tanong na may simpleng sagot. Nagtatago kami sa mga halimaw.
Sa mga halimaw na pinakawalan ng pamahalaan dahil sa utos ng diktador na si Jaime Labrador. Ang espanyol na nagtagumpay para sakupin ang buong mundo. Siya ngayon ang kinatatakutan ng lahat. Marahil ay nagtataka kayo kung paano nangyari ang lahat ng ito. Ako rin man, pero naipahayag sa akin ang lahat sa mga sulat ng aking ama. Sa mga sulat na naiwan ng ama kong nagsimula ng rebolusyon. Rebolusyon laban sa diktatoryal. Rebolusyong puno ng tapang. Rebolusyong nauwi rin sa pagkamatay ng napakaraming tao. Mapa-amerikano, hapon, o pilipino. Wala na ngayong lahi maliban sa maharlika, mga manggagawa at mga aliping tinatawag nilang “la vida bajo.”
Sinabing sa taong 2012 magugunaw ang mundo. Pero hindi pagtatapos ng mundo ang nangyari, kundi pagtatapos ng sangkatauhan sa mundo. Isang malaking pagkalat ng isang malaking virus sa norteng Amerika na ngayon eh isa nang malaking disyerto. At ang pagsabog na iyon ang nagsimula ng lahat. Nag-umpisang manakop ng mga bansa ang kampo ni Labrador nang makita niyang humina ang pwera ng Amerika. Inuna niya ang bansang iyon at isinunod ang Africa at ang natira. Hinuli na niya ang Asya.
Pero hindi sa pagsakop ni Labrador umiikot ang mga kababalaghang nangyayari ngayon. Kundi sa naiwan sa pinanggalingan ng virus.
Meron silang natagpuan. Isang bagay na dinis-aprubahan ang lahat ng alam ng mga tao. Walang nakaka-alam kung ano man ito at kailangan kong alamin.
Ang sakit ay nakakapagbabago ng anyo. Tutubuan ng pakpak, mawawalan ng mga daliri. Magkakaroon ng buntot at kung anu-ano pa. At hindi lang tao ang naapektuhan nito, pati na rin ang hayop at mga halaman.
Ginamit niya iyon para mas palakasin ang pwersa niya.
Nagtago ang mga magulang ko kasama ng ilang mga mamamayan sa isang underground facility sa ilalim ng city hall. Nanatili sila roon ng tatlong buwan. Pagkatapos ay lumabas sila at hindi nila inasahan ang sumalubong sa kanila.
Mga bagay na hindi nila naisip na mabubuhay sa mundong ito.
At ngayon, kahit patay na sila, hindi parin kami sumusuko. Kasama pa rin ang ibang mamamayan dito, nanatili kaming buhay. Nananatili kaming lumalaban. Hindi kami magpapatalo.